Naging proseso ng pagbilang ng boto noong 2022 elections, kinuwestyon sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | November 4, 2022 (Friday) | 18491

METRO MANILA – Naghain ng Petition for Mandamus sina dating Commission on Election (COMELEC) Commissioner Gus Lagman at dating DICT Secretary Eliseo Rio sa Korte Suprema kahapon (November 3).

Hiniling nila sa Supreme Court na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) upang obligahin ang COMELEC, Smartmatic at Telco companies na Globe, Smart at DITO na huwag burahin, i-alter kundi i-preserve ang transmission logs ng election results noong May 9, 2022 national and local elections.

Nais din nilang magpaliwanang COMELEC sa anila’y mabilis na transmission ng resulta noong 2022 elections.

Samantala, ayon naman sa COMELEC, welcome development para sa kanila ang petisyon upang mabigyan sila ng pagkakataon na makasagot.

Handa rin aniya silang sumunod kung anoman ang utos o proseso ng kataas-taasang hukuman.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,