Dinagsa ng mga nais kumandidato sa unang pagkakataon ang Comelec office sa Maynila sa ikatlong araw ng filing ng certificates of candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Gwardyado naman ng mga tauhan ng Philippine National Police ang lugar upang masiguro ang kaayusan at seguridad ng publiko.
Kapansin-pansin naman na marami sa mga nagsusumite ng aplikasyon ay mga first time na kakandidato.
Umaasa ang Comelec na mataas din ang magiging voter turn out sa May 14 Barangay at SK elections dahil tila sabik ang publiko na magkaroon ng mga bagong pinuno sa kani-kaniyang Barangay.
(Aiko Miguel / UNTV News Correspondent)
Tags: barangay elections, barangay SK elections, brgy and sk elections, elections, SK Elections
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com