Nabiling palay ng NFA, umabot na sa 1.86M bags

by Erika Endraca | April 17, 2019 (Wednesday) | 7688

Manila, Philippines – Umabot na sa 1.86 million bags ang nabiling palay ng National Food Authority (NFA) base sa datos nito noong April 12.

Pinakamaraming nabili sa Occidental Mindoro, Isabela, Nueva Ecija, Bulacan, Mamburao, Northwestern Cayagan, Tarlac at North Cotabato.

Base sa Rice tariffication law, nakatuon ang mandato ng NFA sa pagbili ng mga palay sa mga lokal na magsasaka dahil hindi na ito ma-aaring umangkat ng bigas.

Umaabot sa P20.70 kada kilo ang bili ng NFA sa palay habang naglalaro naman sa P18.87 ang bili ng mga trader.

Ayon sa NFA, bumaba ang farm gate price ng palay. Katunayan may mga lugar na umabot pa sa P14 ang kada kilo nito. Samantala, target ng NFA ngayon 2019 na makapag-imbak ng palay para sa 15 hanggang 30 araw na supply ng bigas sa bansa o katumbas ng 15 hanggang 30 milyong bags.

(Rey Pelayo | Untv News)

Tags: , ,