Ibinida ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panglungsod ng Muntinlupa ang narating na nito ngayon makalipas ang isang daang taon simula ng ito ay maging ganap na isang bayan.
Kinilala din sa Centennial Anniversary ng siyudad ang naging ambag ng mga naunang namuno sa Muntinlupa upang maging isa sa mga pangunahing siyudad ng bansa.
Panauhing pandangal sa selebrasyon si Vice President Leni Robredo na nagpasalamat sa siyudad sa naging malaking suporta ng mga ito nuong nakaraang eleksyon.
Agad namang nagtungo sa Naga ang bise Presidente matapos ang kaniyang naging talumpati.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )