Munting hiling ng isang dating construction worker, naisakatuparan ng Serbisyong Bayanihan

by Erika Endraca | February 17, 2021 (Wednesday) | 9042

METRO MANILA – Isa si tatay Miguel Ignacio ng Marilao, Bulacan sa mga displaced worker dahil sa epekto ng pandemya sa bansa.

Dating construction worker si tatay Miguel na natanggal sa trabaho pero walang nakuhang anumang benepisyo mula sa kompanyang pinagtatrabahuan nito.

Dahil dito, lalo pang nalugmok sa hirap ng buhay ang pamilya nito na pati pag-aaral ng mga anak nito, sa kasamaang palad, ay nahinto din.

Kaya naman nang isang beses na makita nito ang mga hotline na nai-flash ng minsang makapanood ito ng programang Serbisyong Bayanihan ay hindi na ito nagatubiling humingi ng tulong sa pag-asang matulungan na makabangon muli.

Hiling ni tatay Miguel ang pangdagdag puhunan sa kaniyang negosyong pagtitinda ng fried chicken.

Kaagad namang tinugunan ng programa ang munting kahilingang ito ni tatay Miguel.

Ngayon ay may pagasa na sina tatay Miguel at ang kaniyang pamilya na makabangong muli sa kahirapang dala ng pandemya at sa awa’t tulong ng Dios sa pagtutulong-tulong nila ay maipapalago nila munting tulong na naipaabot ng programa.

(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: