Muling pagdinig sa Mamasapano incident, lalong nagbigay ng linaw sa kaso ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 1310

NEL_COLOMA
Lalong nabigyan ng linaw kung sino ang nagkulang sa nabulilyasong operasyon ng mga tauhan ng PNP Special Action Force(SAF) sa Mamasapano matapos ang muling pagdinig sa senado kahapon ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na kabilang sa dumalo sa senate hearing, nakita aniya dito ang malaking pagkukulang ni dating SAF Director Getulio Napeñas na naging sanhi aniya ng mataas na bilang ng mga nasawing SAF troopers.

Naging malinaw aniya ang pagpapabaya at hindi pagsunod ni Napeñas sa kautusan ni Pangulong Aquino na tiyakin nito ang coordination sa Armed Forces of the Phils kaugnay ng operasyon laban sa teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Nakita rin aniya ang kawalan nito ng situational awareness at demeanor bilang kumander ng naturang operasyon.

Lumabas din aniya sa pagdinig na inako nitong magisa ang mahahalagang bahagi ng operasyon gaya ng abort option at contingency planning.

Dahil dito aniya, nakabuti ang naturang pagdinig para sa kaalaman na rin ng mga mamamayan.

Matatandaan na itinuturo ni Napeñas si Pangulong aquino na pangunahing responsable sa nabulilyasong operasyon ng SAF Commandos.

Tags: , ,