Muling nagbuga ng abo ang Mount Bulusan sa Sorsogon bago mag-alas tres ng hapon kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Sorsogon, umabot sa dalawang kilometro ang taas ng naitalang phreatic o steam-driven eruption.
Paglilinaw ng PHIVOLCS walang kinalaman sa muling pagbubuga ng abo ng bulkan ang nagdaang pananalasa ng Bagyong Nina.
Bahagyang naapektuhan ng ashfall ang Barangay Bolos sa bayan ng Irosin.
Gayundin ang barangay buraburan at guruyan sa bayan naman ng juban.
Ayon sa Bulusan MDRRMO, wala namang inilikas na mga residente sa mga lugar na naapektuhan ng pagbuga ng abo ng bulkan.
Tags: ilang barangay, Mt. Bulusan, muling nagbuga ng abo kahapon, naapektuhan
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com