Maynilad customers sa ilang barangay sa Las Piñas at Bacoor, Cavite, makararanas ng 14 oras na water service interruption

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 3575


Labing apat na oras na makararanas ng paghina hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig ang ilang Maynilad consumers sa Las Piñas City at sa Bacoor, Cavite.

Batay sa abiso ng Maynilad, mula alas-nuwebe ng gabi mamaya hanggang alas-onse ng umaga bukas ay apektado ng service interruption ang mga barangay ng Molino two, three at seven; Queensrow Central; Queensrow East; Queensrow West at San Nicolas three sa Bacoor, Cavite.

Gayundin ang mga barangay ng Almanza uno at dos; Barangay Pilar; Talon uno; talon tres;Talon kuwatro at talon singko sa Las Piñas City.

Ang water service interruption ay bunsod nang gagawing valve upgrade ng Maynilad sa bahagi ng Alabang-Zapote road.

Payo ng Maynilad sa mga residente, ngayong maghapon ay magsimula nang mag-ipon ng sapat na tubig na maaari nilang magamit hanggang bukas.

Tags: , , , ,