Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Lombok Airport sa Pamosong Holiday Island ng Bali sa Indonesia kahapon, ito ay matapos na sumabog at magsimulang magbuga ng abo ang Mt. Agung noong Sabado.
Ayon sa airport authorities, dalawampu’t siyam na flights ang naapektuhan ng insidente.
Dahil dito, libo-libong turista at residente ang stranded sa lugar. Ngunit nangako ang pamunuan ng paliparan na balik-normal na ang kanilang operasyon ngayong Lunes.
Noong 1963, naitala ang major eruption ng Mount Agung, kung saan mahigit 1,000 ang nasawi.
Tags: Indonesia, Mt. Agung, nagbuga ng abo