Mosyon para itaas sa 44-counts ng homicide ang kaso vs former Pres. Aquino kaugnay ng Mamasapano incident, inihain sa Ombudsman

by Radyo La Verdad | July 20, 2017 (Thursday) | 3231


Kasama ang Volunteers Against Crime and Corruption, naghain sila ng mosyon sa Office of the Ombudsman para hilinging itaas sa 44-counts ng reckless imprudence resulting to homiside and usurpation of authority ang kaso laban kay Aquino at kina dating PNP Chief Allan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.

Maging si Justice Vitallano Aguirre ay nagsabing maliit ang kaso at posibleng hindi nito ikakukulong.

Ayon naman kay Atty. Abigail Valte tagapagsalita ni Aquino nasa pagpapasya parin ng Ombudsman ang resolusyon ng kaso.

Si Napeñas naman giniit na ang dating pangulo ang may pananagutan sa pagkamatay ng mga miyembro ng SAF.

Samantala kahapon nakapaghain narin ng mosyon ang kampo ni Aquino sa Ombudsman kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,