Modernization ng agriculture sector, sagot para matiyak ang food security – PBBM

by Radyo La Verdad | October 13, 2023 (Friday) | 5773

METRO MANILA -Nakikitang paraan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang modernisasyon sa agrikultura upang matiyak ang food security sa bansa.

Ito ang binigyang diin ng pangulo nag kaniyang bisitahin ang itinuturing na world-class controlled-climate na poultry farm sa Hagonoy, Davao Del Sur.

Ayon sa pangulo, malaki ang papel ng private sector para maisulong ang industrialization at maging maunlad ang agri sector.

“The reason why I made sure to come here para ipakita na mayroon talagang paraan para magkaroon tayo ng sapat na supply, and it comes from again from the private sector at ang private sector marami silang pinaplano. “ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: , ,