Modern slavery, ipinaliwanag ng isang grupo sa mga OFW sa France

by Radyo La Verdad | June 27, 2018 (Wednesday) | 3878

Ito si Jainab Buton, 48 taong gulang at 8 taon ng nagtatrabaho sa Paris.

Labing anim na taon pa lamang siya ng magsimulang magtrabaho sa ibang bansa hanggang dinala siya sa Paris ng isang Arab family.

Simula noon, nakaranas na siya ng pang-aabuso gaya ng sobrang oras ng trabaho, ‘di sapat na pasahod, ‘di mabuting pakikitungo, paper confiscation at iba pa. Kahit may bago na siyang employer, nakakaranas pa rin siya ng pang-aabuso.

Isa si Buton sa mga manggagawang dumalo sa seminar na inorganisa ng coeurs à coeurs at comité contre l’esclavage moderne  o committee against modern slavery.

Ayon sa grupo, dapat alam ng mga nagtatrabaho sa ibang ang kanilang karapatan kapag nakakaranas ng pang aabuso ng kanilang mga amo.

Ayon kay Zita Cabais-Obra, Secretary General ng isa sa malaking trade union dito sa france at dating nakaranas ng labor exploitation, hindi dapat matakot na magsumbong ang mga ofw na nakakaranas ng pang-aabuso upang mabigyan ng payo at tulong.

 

( Jhun Garin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,