Makalipas ang apat na araw lubog parin sa tubig baha ang malaking bahagi ng Missouri USA.
Inatasan na ang mga national guard na tumulong sa emergency response sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.
Dahil sa pagbaha isinara sa mga motorista ang St.Louis at Interstate 44.
Nagtulong tulong narin ang mga residente sa paglalagay ng sandbags upang mapigilan pa ang pagtaas ng tubig baha.
Sa mga nakalipas na linggo mahigit apat na pu na ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyo at hurricane sa midwest at southwest ng Amerika.
Nagbabanta naman ito ngayon sa hilagang bahagi ng bansa.
Tags: bansa, hilagang bahagi, Missouri USA, storm system, tubig baha
Suspendido pa rin ang pasok ngayong araw sa ilang lugar sa bansa.
Walang pasok sa lahat ng lebel sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Navotas, Marikina at Malabon, gayundin sa mga lalawigan ng Abra, Bataan, Nueva Ecija, Angeles City, Pampanga, Olongapo City, Rodriguez, Rizal at San Mateo, Rizal.
Wala ring klase ngayong araw sa lahat ng antas sa mga bayan ng Ilocos Sur, Pangasinan at Bulacan.
Tags: bansa, pasok sa paaralan, suspendido
Makakaranas ng maulang panahon ang maraming bahagi ng bansa. Ang Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Oriental Mindoro at Marinduque ay makakaranas ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Tail End of a Cold Front.
Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang mararanasan ng Caraga at Davao region dahil sa easterlies.
Ganito rin ang magiging lagay ng panahon sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Regions at Aurora dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may mahinang mga pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Asahan din ang mga pag-ulan sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Tags: bansa, pag ulan, tail-end of a cold front
Lalo pang lumakas ang bagyong Gorio habang ito ay nasa silangan ng bansa. Namataan ito ng PAGASA sa layong 595 kilometer sa East Northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 85kph at pagbugso na aabot na sa 105kph. Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 13 kilometro kada oras.
Pinalalakas ni Gorio ang habagat kaya’t makararanas ng malalakas na mga pagulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mindoro at Palawan.
Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslides ang pagulan mararanasan sa mga nasabing lugar.
Samantala, ang Cagayan Valley, Bicol, Marinduque, Romblon at buong Visayas ay magiging makulimlim din na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan. Sa nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Sa linggo o lunes ay posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo at posible ring tumama ang sentro nito sa bansang Taiwan.
Tags: bagyong Gorio, bansa, habagat