Hindi pa rin papayagang magtinda sa tinaguriang Hepa Lane sa University Belt sa Manila ang mga street vendor hangga’t hindi pumapasa sa pinatutupad na sanitary requirements ng lokal na pamahalaan.
Sa isinagawang dayalogo kahapon, ipinaunawa ng mga barangay official na nakakasakop sa lugar na dapat sumunod ang mga ito sa itinatakda ng batas.
Ayon sa chairman ng brgy. 395, pumayag naman ang mga ito na mag-apply ng sanitary permit upang makabalik sa pagtitinda.
Ngunit ayon naman sa division of sanitation ng Manila, nakapag-apply na dati ng permit ang mga vendor ngunit hindi sila pinagbigyan dahil hindi nila sinusunod ang mga itinuturo sa seminar.
Babala ng sanitation division sa publiko, mapanganib na kumain sa mga di malinis na lugar dahil maaring makakuha rito ng iba’t- ibang uri ng sakit.
Tags: Hepa Lane, LGU, sanitary requirements