Mga turista sa City of Pines dagsa na; trapiko sa lungsod mabigat na rin

by Radyo La Verdad | October 31, 2017 (Tuesday) | 2098

Ramdam na ang pagdami mga turista sa Baguio City dahil sa nararanasang pagbigat ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa siyudad. Dahil dito, naglabas na ang BCPO ng traffic advisory para sa mga motorista na bibisita sa mga kilalang pasyalan at sa mga residenteng magtutungo ng Baguio City Public Cemetery.

Magpapatupad ng one-way traffic scheme sa Quirino Highway kanto ng Buhagan Road mula sa Central Business District simula alas 4:00 ng madaling araw hanggang alas 12:00 ng hatinggabi sa Nobyembre 1.

Magkakaroon naman ng  re-routing ng mga truck at bus mula sa La Union na daraan sa  Sta. Lucia hanggang Marcos Hi-way at Circumferential Road patungong Central Business District, bukod pa sa Lamtang-Longlong Road para naman sa mga pupuntang  La Trinidad.

Dagsa na rin ang mga turista sa mga tourist spots kabilang na dito ang Burnham Park, Botanical Garden, Mines View Park, Wright Park at The Mansion.

Naka-heightened alert status naman ang Baguio City Police upang tiyaking maayos ang seguridad sa siyudad.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,