Mga sundalong magsasagawa ng damage assessment sa Las Navas N.Samar, tinambangan; 2 patay, 2 sugatan

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 2005

JENELYN_AMBUSH
Patay ang dalawang sundalo habang dalawang iba pa ang sugatan matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang armadong grupo sa Brgy. Bukid Las Navas Northern Samar kaninang umaga.

Ang mga biktima na mula sa Charlie Company, 20th Infantry Batallion ay magsasagawa sana ng ocular damage assessment sa iniwang pinsala ng bagyong Nona at magdadala ng equipment para sa disaster response sa Las Navas.

Ayon sa Division Public Affairs Office ng 8-Division Stormtroopers Army, tumagal ng labing limang minuto ang palitan ng putok ng mga sundalo at rebeldeng grupo.

Matatandaang noong nakaraang Biyernes sa bayan ng Pinabacdao, Samar ay tinambangan rin ng rebeldeng grupo ang convoy ng military trucks na may kasamang dswd personnel na galing sa pamamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng bagyong Nona.

Tags: , , , , , ,