2 sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 2, 2017 (Thursday) | 3386


Dalawang motorcycle ang sugatan matapos magkabanggan sa Barangay United San, Pedro, Laguna pasado alas onse kagabi.

Agad nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang rider na si Kyven Cristobal na nagtamo ng gasgas sa kaliwang dibdib at kamay.

At ang kabanggaan nito na rider na si Jayson Morado na iniinda ang pamamaga ng kaliwang binti at gasgas sa kaliwang kamay

Tumanggi ng magpadala pa sa ospital ang dalawa at sa halip ay nagharap sa baranggay hall upang pag-usapan nag nangyaring aksidente.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,