2 patay, 23 sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa Agoo, La Union

by Radyo La Verdad | December 22, 2016 (Thursday) | 6405

tot4
Patay ang dalawang pasahero at dalawampu’t tatlo naman ang nasugatan sa nangyaring aksidente kaninang alas singko y medya ng umaga sa Brgy. Sta. Fe, Agoo, La Union.

Agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatan sa banggaan ng dalawang bus.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marlon Tumbaga at John Rey Brioso na pawang residente ng Brgy. San Antonio sa Naguilian.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang partas bus na biyaheng Maynila kaya nito nabangga ang kasalubong na dominion bus na patungo naman sa Vigan, Ilocos Sur.

Hawak na ng pulisya ang mga driver ng dalawang bus habang isinasagawa ang imbestigasyon.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,