Mga sumukong Heinous Crime Convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance, umabot na sa 1,717

by Erika Endraca | September 20, 2019 (Friday) | 9044

MANILA, Philippines – Umabot sa 1,717 mula sa 1,915 na convicts ang boluntaryong sumuko hanggang 11pm kagabi ayon sa Depatment of Justice (DOJ).

Alinsunod ito sa 15 araw na palugit na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Isa isang nagsidatingan Kahapon (September 19) sa New Bilibid Prisons ang mga humabol sa deadline. Ang ilan sa mga ito bitbit ang kanilang mga gamit at ang dokumento na magpapatunay na pinalaya sila dahil sa GCTA.

Samantala, una ng sinabi ng Pangulo na maglalaan siya ng pabuya para mahuli ang mga Heinous Crime Convict na hindi tutugon sa kaniyang panawagan.

(Bernard Dadis | UNTV News)

Tags: ,