Deadline sa pagsuko ng mga Heinous Crime Convict na Napalaya dahil sa GCTA, 1-araw na lang ang nalalabi

by Erika Endraca | September 18, 2019 (Wednesday) | 2455

MAILA, Phiippines – May hanggang Huwebes (September 19) na lamang para sumuko ang mga heinous crime convict na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte handa siyang magbigay ng P1-M pabuya sa makapagsusuplong ng isang puganteng heinous crime convict.

Samantala, nais naman ng punong ehekutibo na mapabilis ang proseso sa paglaya ng mga matatanda at maysakit ng inmates. Alang-alang aniya ito sa humanitarian reason.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,