Mga sindikato ng droga, nagpapatayan na ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 2341

BATO
Hindi mga pulis ang pumapatay sa lahat ng mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief PDG Ronald dela Rosa, dahil sa pinaigting na kampanya ng PNP sa illegal drugs ay hindi na maibenta ng mga distributor ang shabu.

Inihalimbawa ng Heneral ang isang pusher na sumuko sa kanya nitong Myerkules at inamin na ipinapapatay na sya ng isang drug lord na nakakulong sa bilibid.

Sinabi pa ng Heneral na hindi maaaring ibintang sa mga pulis ang lahat nang napapatay na deug personalities dahil lehitimo naman ang bawat operasyon nila.

Muli nitong tiniyak na hindi nya papayagang gumawa ng extra judicial killings ang mga pulis.

Samantala, kinumpirma naman ni PDEA Director General Isidro Lapeña na pabor sya sa pagkakaroon ng vigilante group kontra droga katulad ng grupong alsa masa na ang tanging gagawin ay magbigay ng impormasyon sa mga otoridad.

Naniniwala ang PDEA na marami ang nais na tumulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga, ang kailangan lamang ay i-organize ang mga ito.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: , ,