Mga sasakyan patungo sa iba’t ibang probinsiya dagsa na sa SLEX

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 4340

SHERWIN_SLEX
Simula pa kahapon ng umaga ay tuloy-tuloy na ang pagdagsa ng mga sasakyan sa South Luzon Expressway na nagsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya para sa holiday season.

Sa Calamba Toll Plaza South Bound kadalasan umaabot ng hanggang walong daang metro ang pila ng mga sasakyan na patungo sa Southern Tagalog Region.

Tumatagal ng nasa dalawampung minuto ang kailangang matiyagang hintayin ng isang motorista bago marating ang toll gate para makapagbayad ng toll fee.

Bagaman mayroong mga ambulant teller kakaunti ang kanilang bilang kumpara sa mga itinatalaga tuwing dumarating ang ibang okasyon tulad ng november 1 holiday.

Ganito rin ang eksena pagsapit ng alas dyes kagabi sa northbound lane ng Ayala Toll Plaza naiipon din ang mga sasakyan.

Ayon sa traffic control ng Manila Toll Expressway System o MATES patuloy naman silang nakatutok sa lahat ng toll plazas upang magbigay ayuda sa mga motorista.

Payo naman ng pamunuan ng SLEX sa mga bibyahe para magbakasyon ngayong holiday season dapat nasa maayos na kondisyon ang sasakyan at maging ang driver nito para laging nakaalerto.

Sa mga motoristang magkakaroon ng problema sa kanilang mga pagbiyahe sa SLEX maaari silang tumawag sa hotline number 09176877539.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,