Matagal nang iniinda ni Aling Shirley Francisco ang sakit sa ngipin, sa edad nitong singkwenta y tres anyos ay natatakot na rin itong magpabunot ng ngipin.
Ngunit dahil sa kulang sa budget hindi siya makapunta sa dentista, at tinitiis nalang pangingirot ng ngipin.
Kaya naman ng mabalitaan ang isasagawang free medical mission ng UNTV at Members Church of God International sa Barangay San Mateo Norzagaray Bulacan, sinamantala na niya at ng kaniyang pamilya na magpakonsulta.
Ubo, sipon, trangkaso naman ang pangkaraniwang sakit ng mga residente sa lugar.
Umabot naman sa mahigit isang libo at anim na raan ang napaglingkuran sa isinagawang medical mission at iba pang libreng serbisyo sa lugar.
Nagpasalamat naman ang nag request ng medical mission na si Mr.Guillermo Flores, District Supervisor ng San Mateo Elementary School.
Dahil sa tulong na ginawa sa kanilang kababayan, na kahit tatlong oras ang layo ng barangay sa Metro Manila, ay napuntahan ng UNTV ang bulubunduking lugar.
Ito na ang kauna-unahang pagkakaaton na nakapagsagawa ng medical mission ang UNTV at MCGI sa San Mateo Norzagaray Bulacan.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)
Tags: MCGI, medical mission, Norzagaray Bulacan, San Mateo, UNTV