DSWD, MCGI at Serbisyong Bayanihan magkatulong na tinugunan ang hiling ng isang nangangailangan

by Erika Endraca | December 9, 2020 (Wednesday) | 57043

METRO MANILA – Natanggap na ni Mang Ariel Llorente ang kanyang request na bible at reading glasses maging ang kahilingan nitong mapatingin sa espesyalista, ito ay dahil sa pagtutulungan ng programang Serbisyong Bayanihan, Members Church of God International (MCGI), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region V.

Si Mang Ariel ay isa sa mga tumawag sa programang Serbisyong Bayanihan na humihingi ng tulong na mapatingin siya sa espesyalistang doktor dahil sa sari-sari nitong dinaranas na sakit. Dahil dito halos 3 aon na itong bed ridden at nadiagnose din itong may cataract kaya hirap na siyang makakita.

Hindi na nito nagawang makapagpacheck-up pang muli dahil hindi sumasapat ang sweldo ng asawa nitong nagtatrabaho sa grocery store na ayon kay Mang Ariel ay below minimun wage pa ang sweldo nito.

Kaya naman hindi na ito nagatubili pang tumawag sa programa para humingi ng tulong.

Agad naman itong inaksyunan ng programa at tinawagan ang magasawa ng isang social worker mula sa DSWD Regional Office V at tinulungan ito kung papaano makapag-avail ng medical at financial assistance mula sa ahensya.Pinuntahan din siya ng ilang representante mula sa LGU at binigyan ng kaukulang aksyon.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,