Mga pulis ng NCRPO na nag duty noong ASEAN Summit, pinarangalan

by Radyo La Verdad | December 4, 2017 (Monday) | 5519

Binigyan ng pagkikilala ng Philippine National Police ang nasa 33, 582 pulis na nagduty at nangalaga sa katahimikan at kapayapaan ng 2017 ASEAN Summit noong Nov.13 hanggang 15.

Sa naturang bilang, labing anim ang  binigyan ng pambihirang paglilingkod, 417 ang binigyan ng medalya ng kasanayan at 33,149 ang binigyan ng medalya ng papuri.

Ayon kay Chief Directorial Staff Police Deputy Director General Archie Gamboa, ikinararangal ng pambansang pulisya ang sakripiso at maayos na pagtatrabaho ng mga ito kaya tahimik na naidaos ang ASEAN Summit.

Sinabi pa nito na nagpapasalamat ang buong hanay ng PNP sa pagiging mahinahon ng mga ito kahit na binabato ng mga raliyista.

Tags: , ,