Mga pulis na umano’y dawit sa carnapping activities, iimbestigahan ng HPG

by Radyo La Verdad | May 13, 2015 (Wednesday) | 1312

HPG_VELASQUEZ_051315

Kumikilos na ang Highway Patrol Group (HPG) upang imbestigahan ang mga pulis na umano’y dawit sa pagnanakaw ng mga sasakyan sa bansa…

Ito’y matapos na malantad sa pagdinig ng Senado ang blue book ng yumaong si DILG Secretary Jessie Robredo na naglalaman ng mga personalidad na dawit sa carnapping activities kabilang ang ilang pulis.

Ayon kay HPG Spokesperson P/Supt. Elizabeth Velasquez, may listahan na sila ng pangalan ng mga ito subalit ayaw muna nilang isapubliko habang ginagawa ang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Velasquez na 12 grupo ang kanilang tinututukan , nangunguna pa rin ang MC Lester Reyes, Salvatierra at Landrito Carnapping Group.

Activated na rin ang kanilang 14 na tracker team upang bantayan ang galaw ng nasabing mga grupo.(Lea Ylagan/UNTV News)

Tags: , ,