Ililipat muna o ididestino sa ibang lugar ang mga pulis na may kamag anak o kaibigang pulitiko sa 2016 National Elections.
Ayon kay PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, ito ay upang maiwasan na maka-impluwensiya na iboto o mabigyang pabor ang kamag-anak o kaibigan na kandidato.
Sinabi rin ni Marquez na layunin din nito na manatiling apolitical o walang kinilingan na kandidato ang isang pulis.
“at the very beginning pa lamang ang mga commanders natin sa ground ay makikialam sa partisan activities sa baba at lalagyan ng mga commanders na not familiar at not affiliated not associated with any personalities who are going to run in the elections.” pahayag ni PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez.