Walang dapat ipagalala ang mga car owner na nakuha na ang bagong plaka ng kanilang sasakyan dahil hindi na ito ire-recall ng Land Transportation Office o LTO.
Ayon kay Asec.Roberto Cabrera, 93% o mahigit anim na raang libong plaka na ang naipamahagi sa ibat ibang regional office ng LTO sa buong bansa.
Ito ang mga plaka na nai-turn over ng Bureau of Customs ng hindi mabayaran ng supplier ang duties at taxes na nagkakahalaga ng 40 million pesos.
Minarapat ng BOC na ibigay ang mga plaka sa LTO dahil walang iba na karapatdapat na mamahagi ng mga plaka maliban dito.
Subalit mabibinbin ang pamamahagi ng pitong porsyento o mahigit isang daang libong plaka na natitira pa sa LTO.
Ang mga plakang ito ay mga mixed plate o mga replacement plate ng mga sasakyan na nag expire na ang plaka.
Ayon sa LTO, nasa 3 million pa ang backlog nila sa mga plaka, kung ili-lift ng Commission on Audit ang notice of disallowance ngayon linggo, sa lalong madaling panahon ay masasagot ang problema sa mga plaka.
Itutuloy naman ng LTO ang encoding para sa mga bagong aplikasyon ng plaka dahil hindi raw ito sakop ng TRO.
Hanggang ngayon ay hindi nakikipagusap sa LTO ang PPI-JKG, ang supplier ng mga bagong plaka.
Ipapaubaya na ng LTO sa solicitor general ang pakikipagusap sa Korte Suprema hinggil sa inisyu na TRO.
Itinuturing na ng LTO na isang national problem ang isyu sa mga plaka kaya hiniling nito na maglabas na ng desisyon ang Commission on Audit tungkol dito upang maayos na ang problema.
(Mon Jocson / UNTV Correspodent)
Tags: LTO, Mga plakang