Mga Pinoy na walang trabaho noong Agosto, pumalo sa 2.68-M

by Radyo La Verdad | October 7, 2022 (Friday) | 5792

METRO MANILA – Base sa resulta ng survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA),  nasa 2.68 Million na mga Pilipino ang walang trabaho nitong August 2022.

Mas mataas ito kumpara sa 2.6 Million na unemployed noong Hulyo sa kaparehong taon.

Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Dennis Mapa, karamihan sa mga hindi natanggap o nakahanap ng trabaho ay ang mga baguhan pa lamang na pumasok sa labor force at mga babae.

Sa kabila nito inaasahan naman ng PSA na dadami ang makahahanap ng trabaho sa huling bahagi ng taon.

Sa naunang survey ng PSA, sinabi ng ahensya na malaki ang nagawa ng pagbubukas ng ekonomiya o pag-aalis ng mahigpit na COVID-19 restrictions sa pagtaas ng bilang ng Pilipinong nagkaroon ng trabaho.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,