Mga Pinoy na umano’y na recruit bilang scammer, tutulungan ng DMW

by Radyo La Verdad | November 23, 2022 (Wednesday) | 1248

METRO MANILA – Tutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pinoy na umano’y nabiktima ng mga illegal recruiter na magtrabaho bilang mga scammer sa ibang bansa.

Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, ipinag-utos na ni Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople na ibigay sa mga nasabing OFW ang anomang tulong na kanilang kinakailangan.

Kamakailan sinabi ni Senator Risa Hontiveros na may 12 OFW umano na na-recruit upang maging customer service representative sa Thailand.

Pero dinala umano ang mga ito ng Chinese Mafia sa Myanmar upang mag-trabaho bilang scammer at mambiktima ng mayayaman.

Tags: , ,