Mga Pilipinong nabakunahan noon ng Smallpox, walang proteksyon vs Monkeypox – Health Expert

by Radyo La Verdad | May 30, 2022 (Monday) | 3961

METRO MANILA – Inirerekomenda ng mga eksperto sa iba’t ibang panig ng mundo na maaaring gamitin kontra Monkeypox ang mga smallpox vaccine.

Ito ay dahil magkamag-anak ang 2 viral disease na ito

Nagkaroon noon ng mass vaccination sa bansa laban sa smallpox 4 na dekada na ang nakakalipas

Nguni’t natigil lang ito nang ianunsyo ng World Health Organization na “eradicated” o napuksa na ang Smallpox taong 1980

Nguni’t paliwanag ni Epidemiologist at Infectious Diseases specialist na si Dr Eric Tayag, kailangan pa rin ng proteksyon ang mga Pilipinong nabakunahan na noon ng smallpox.

Sakaling bumili na ang Pilipinas ng bakuna laban sa smallpox, hindi na ito gaya ng bakuna na ginamit noon.

Ayon pa kay Dr Tayag kapag may go signal na ang World Health Organization (WHO) na magsagawa ng mass vaccination kontra Monkeypox kailangang iprayoridad ang mga direktang aasiste at manganglaga ng Monkeypox cases

Nakahanda na aniya ang healthcare system at nakaposisyon na ang four- door strategy ng pilipinas para maagapan ang pagapasok ng monkeypox sa pilipinas

Pinapaalalahanan ang lahat na kaagad magpatingin sa doktor kapag nagkaroon ng kulani sa leeg, nilagnat, nanghihina ang katawan at nagkaroon ng butlig sa katawan

Pinapayuahan din ng mga health expert ang mga galing sa mga bansang may Monkeypox cases na hangga’t maaari obserbahan ang sarili at mag- isolate ng 21 days upang makatiyak na hindi sila carrier ng Monkeypox virus

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,