Mga Pilipino sa Iran at Lebanon, pwedeng manatili sa naturang mga bansa – DOLE Sec. Bello

by Erika Endraca | January 10, 2020 (Friday) | 16991

METRO MANILA – Hindi na sakop ng ipatutupad na mandatory repatriation ng pamahalaan ang mga Pilipino na nasa Iran at Lebanon.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III
maaari nang manatili ang mga pilipino doon dahil bumaba na ang alert level sa naturang mga bansa

Nguni’t ayon sa kalihim mananatili ang deployment ban sa mga first time workers sa naturang mga bansa

Ibig sabihin hindi magpo- proseso Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng mga aplikasyon sa kasalukuyan.

Nguni’t nilinaw naman ni Secretary Bello na tuloy pa rin ang mandatory repatriation sa Iraq.

Pinapayuhan ang ating mga kababayan doon na umuwi na sa Pilipinas para sa kanilang kaligtasan

Kaugnay nito tumulak na papuntang Iraq kaahapon (Jan. 9) si Special Envoy to The Middle East Secretary Roy Cimatu

Ayon sa Kalihim, may 1, 600 nang nagbigay ng manipestasyon na sila ay payag sa mandatory repatriation. 29 sa mga ito ang handang nang bumiyahe paalis ng Iraq.

Sa ngayon ay may mga contingency plan na ang pamahalaan ng Pilipinas para maiuwi sa bansa ang mga Pilipino na nasa Iraq.

Ayon pa kay Sec. Cimatu, hindi aniya kampante ang pamahalaan na bawiin ang kautusan para sa mandatory repatriation ng mga OFW hangga’t nasa alert level 4 pa rin ang Iraq.

“However I was told that there are airlines that are still operating and these are really our contingency plan for their departure out of Baghdad in case that’s open. Then they will resort to a land movement out of baghdad probably to amman, jordan” ani DENR Sec Roy Cimatu .

Ayon kay Cimatu maituturing na “Unpredictable” pa rin ang sitwasyon sa ngayon sa middle east

“The problem is also the time.of the attack. So we don’t have to wait for this to happen. So we have to start now moving them out habang medyo open pa airport, clear pa iyon mga kalsada. I would still really suggest that we have to move them already even without any conflict pa” ani DENR Sec Roy Cimatu.

Apela naman ng kalihim sa mga Pilipino sa Iraq, huwag ng magmatigas at makinig sa panawagan ng pamahalaan na lumikas.

Dapat rin ay makipag-ugnayan an mga ito sa embahada ng Pilipinas upang mabigyan ng ayuda lalo na sa mga undocumented OFWs at mga walang hawak na pasaporte dahil sa panggigipit ng kanilang mga employer.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,