Mga Pilipino sa Amerika, nanawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng war on drugs

by Radyo La Verdad | August 28, 2017 (Monday) | 4962

Nagsama-sama ang ilang grupo ng mga Pilipino sa New York bilang pagkondena sa sinapit ni Kian Lloyd Delos Santos, ang menor de edad na nasawi sa anti-illegal drugs operation ng mga pulis sa Caloocan City. Para sa kanila, nakakabahala ang sinapit ng binata.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang ilang mga Pilipino sa Chicago sa nangyayaring patayan sa Pilipinas na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon. Giit ng mga ito, hindi ang pagpatay ang susi para matigil ang paglaganap ng iligal na droga.

Sa harap naman ng konsulada sa Los Angeles, nagtipon-tipon ang National Alliance for Filipino Concerns. Panawagan ng mga ito, tigilan na ang patayan at maging ang war on drugs. Para sa ilang mga Pilipino sa Amerika, ang kanilang pinagsama-sama boses ng paghingi ng hustisya ay hindi lamang para kay Kian kundi para sa lahat ng mga biktima ng hindi makatwirang pamamaslang.

 

(Jihan Malones / UNTV Correspondent)

Tags: , ,