Mga pasahero ng MRT-3, pinababa dahil sa technical problem

by Radyo La Verdad | November 7, 2017 (Tuesday) | 2910

Muli na naman sinalubong ng aberya ang mga pasahero ng MRT-3 ngayong araw.

Ayon sa DOTC-MRT3, nagpababa sila ng mga pasahero sa North Avenue Station Southbound kaninang alas sais ng umaga dahil sa technical problem, ito ang unang aberya na naranasan ng MRT ngayon araw, kasunod ng limang beses na pagpapababa ng mga pasahero kahapon dahil pa rin sa technical problem.

Bunsod nito, labing tatlong tren lang ng MRT-3 ang gumagana ngayong araw.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa abalang idinulot sa publiko.

Tags: , ,