Mga pasahero na biyaheng probinsya, dagsa pa rin sa Araneta bus terminal

by Radyo La Verdad | December 27, 2017 (Wednesday) | 6307

Libo-libong pasahero ang dumagsa ngayong araw sa Araneta Bus Terminal pauwi sa kanilang probinsiya. Ilan sa kanila ang hindi nakapag-book ng maaga at sumusubok na makabili ng ticket sa terminal.

Naantala naman ang pagdating ng ilang bus kagabi kung kaya’t stranded ang ilang pasahero. Kanina lang nakaalis ang mga ito pauwi sa kanilang probinsya.

Ayon kay Araneta Bus Center Manager Mon Legaspi, patuloy namang nagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa buong terminal.

Isang senior citizen naman ang nagrereklamo dahil wala umanong priority lane para sa mga matatanda sa naturang bus terminal.

Pero ayon sa pamunuan ng Araneta bus station, binibigyang daan nila ang mga senior citizen.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

PNP, nag-inspeksyon sa Araneta City Bus Terminal para sa seguridad ng mga pasahero

by Erika Endraca | October 30, 2019 (Wednesday) | 12959

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagdating sa Araneta City Bus Station ng mga pasaherong uuwi ng probinsiya para sa long holiday. Upang matiyak ang seguridad sa naturang terminal, nag-inspeksyon Kahapon (October 29) si PNP Officer in charge Police Lieutenant General Archie Gamboa kasama si NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas.

Sa pag-iikot kahapon, namigay si Gamboa ng pamphlets sa mga pasahero na naglalaman ng mga paalala at tips para sa ligtas at mapayapang byahe.

Nag-inspeksyun din si siya sa loob ng mga bus. Ayon pa kay Gamboa, handa na ang terminal para sa dagsa ng mga pasahero.  24  – oras na rin aniya ang pagbabantay ng mga miyembro ng pulisya na nakaistasyon sa police assistance desk sa terminal.

Mayroon ding 3 K9 bomb sniffing dogs na nag-iikot sa terminal maging medical booth mula Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Panawagan naman ni Gamboa sa mga drayber, laging isaisip ang kapakanan ng mga pasahero. Pagtitiyak ng pambansang pulisya, wala silang namo-monitor na banta sa seguridad ngayong long holiday.

(Harlene Delgado | UNTV News)

Tags: ,

2 driver na nagpakita ng kabutihan sa kanilang pasahero, pinarangalan ng LTFRB

by Radyo La Verdad | July 2, 2018 (Monday) | 4483

 

Binigyan ng parangal ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang isang taxi at Grab driver kaninang umaga.

Ayon kay LTFRB Executive Director Attorney Samuel Jardin, importante raw na makilala sila at ipakita ito sa publiko para matanggal ang masamang reputasyon ng mga transport drivers na nag-aabuso.

Ipinaliwanag rin niya na ang mga transport drivers ay totoong tao, matulungin at may puso. Nagbigay sila ng certificate award kay Rex Mabini isang taxi driver na nagbalik ng pera na may halagang sampung libong piso, atm cards at credit cards.

Nagbigay rin sila ng certificate award sa isang Grab driver na si Arnel Oyardo Lunar na nakatulong din sa isang babaeng inatake sa puso at dinala niya sa hospital.

Sinabi rin ng dalawa na mas importante na maging matulungin at gumagawa ng mabuti para sa kapwa tao.

 

( Charlie Barredo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Nasa 600 pasahero sa Real, Quezon patungong Polilio Island, stranded

by Radyo La Verdad | December 28, 2017 (Thursday) | 3768

Nasa anim na raang mga pasahero na ang nanatili pa rin sa Real, Quezon simula pa noong isang linggo. Pawang biyaheng Polilio Island at Burdeos ang mga pasahero.

Ayon sa Philippine Coast Guard, naghihigpit na sila ngayon matapos ang nangyaring paglubog ng passenger vessel na Mercraft 3 na ikinasawi ng limang pasahero nito noong nakaraang Huwebes ng umaga.

Bukod dito, mayroon pa rin umanong nakataas na gail warning sa lugar kaya wala pa silang pinapahintulutang makapaglayag mula sa pantalan. Dumadaing na ang marami sa mga pasahero dahil gustong-gusto na nilang makauwi.

Karamihan sa mga stranded na pasahero ay mga nakaligtas sa nangyaring insidente ng paglubog ng bangka. Sinabi naman ng Coast Guard na nagbibigay sila ng ayuda sa pagkain ng mga na-istranded na pasahero.

Tiniyak din ng PCG na papahintulutan nilang makapaglayag ang mga bangka sakaling alisin na ang gail warning sa lugar.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News