Mga pampasaherong jeep, bawal na bumiyahe sa EDSA-Guadalupe simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 2120


Simula ngayong araw ay hindi na maaaring dumaan sa EDSA-Guadalupe ang mga pampasaherong jeep.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Metro Manila Development Authority o MMDA, abng hakbang ay bahagi ng ginagawa nilang pag-aaral para mapagaan ang trapiko at mapabilis ang byahe ng mga motorist.

Una nang nakipag-ugnayan ang ahensya sa mga opisyal ng barangay guadalupe nuevo kaugnay ng pagsasara ng P. Burgos exit patungong EDSA.

Kasabay nito ay paiigtingin rin ng MMDA ang pagsasagawa ng clearing operations sa Guadalupe sa mga sasakyang iligal na nakaparada at mga illegal vendor na nagpapasikip sa kalsada.

Tags: ,