P6.50 minimum fare sa mga pampasaherong jeep sa Central Visayas, epektibo na ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 3197

gladys_pasahe
Epektibo na simula ngayong araw ang 50-centavo provisional fare rollback sa mga pampasaherong jeep sa Central Visayas.

Batay sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, mula sa seven pesos ay magiging six pesos and 50-centavos na lamang ang babayarang pamasahe sa unang limang kilometro na byahe.

Bagamat malaking bagay sa mga pasahero ang bawas pasahe, may ilan namang jeepney driver ang dumadaing dahil sa epekto nito sa kanilang kita.

Pinapayuhan naman ng LTFRB-7 ang mga commuter na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinomang hindi susunod sa ipinatutupad na P6.50 minimum fare.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,