Mga pamilya sa Visayas ng mga nasawing sundalo’t pulis sa Marawi seige, tumanggap ng financial assitance mula kay Bro. Eli Soriano

by Radyo La Verdad | December 15, 2017 (Friday) | 3493

Sariwa pa rin sa isipan ng ilan nating mga kababayan sa Visayas ang nangyaring bakbakan sa Marawi City na ikinasawi ng mga mahal nila sa buhay na mga pulis at sundalo. Ganun pa man ay tuloy pa rin ang buhay ng mga pamilyang ito na naiwan ng mga matatapang nating tropa.

Ayon kay Members Church of God International o MCGI Representative Brother Danny Navales, saludo ang kanilang grupo sa mga magigiting na kawal ng ating bansa, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at sumasaludo sa katapangan at kagitingan na kanilang ipinamalas.

Ayon naman sa asawa ng SSG Joseph Villanueva na si Jeryl Villanueva, malaki na ang nasabing tulong pinansyal na kaniyang itatabi para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Nagpapasalamat rin ang mga naiwang kaanak ng mga tropa kay Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon dahil kahit papaano ay makakatulong ang kanilang natanggap na salapi upang makapagsimula ng negosyo.

Lubos naman ang pasasalamat ng AFP Central Command sa inisyatibo at tulong na ito ni Bro. Eli Soriano. Una nang tumanggap ng tulong pinansyal ang mga pamilya ng Fallen Heroes sa Mindanao noong December 2. Personal na iniabot ni Kuya Daniel Razon kay Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., ang commander ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City.

Noong Dec. 11 naman nang tinanggap ng mga benepisyaryo sa Luzon ang financial assistance sa Camp Aguinaldo. Kabuoang P8.3M ang ipamimigay ni Bro. Eli mula sa sariling niyang kita sa negosyo para sa mga naiwan ng 159 na sundalo at 7 pulis na lumaban sa Marawi City.

Bukod pa ito sa P6M na ibinigay ng UNTV Foundation sa Armed Forces of the Philippines at P2M naman sa Philippine National Police mula sa proceeds ng Songs for Heroes 3 benefit concert.

 

( Gladys Toabi / UNTV Correspondent )

Tags: , ,