Mga paaralan sa bansa, inaatasan na magkaroon ng CPR training sa mga mag-aaral

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 2259

MERYLL_ANGARA
Isang panukala ang isinusulong ngayon ni Senator Sonny Angara na nag-aatas sa mga pribado at pampublikong paaralan na magsagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR training session sa mga mag-aaral.

Ayon sa senador, sa panahon ngayon,hindi lamang umano mga doktor ang dapat na marunong sumagip ng buhay kundi maging mga ordinaryong tao lalo na ang mga estudyante.

Ang nasabing panukala ay nabuo matapos ipahayag ng international health experts na mas tiyak ang kaligtasan ng isang taong nasa panganib kung agad itong mabibigyan ng CPR.

Sakaling maipasa ang panukalang batas, ito ay magiging requisite sa lahat ng mga estudyante bago sila makapagtapos ng pag-aaral.

Tungkulin naman ng school principal o ng school administrator na makipag-ugnayan sa Department of Health upang makapagtalaga ang mga ito ng CPR instructors para sa nasabing programa.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,