Binatikos ng Makabayan congressmen ang mga kasunduan at naging resulta ng katatapos lang na Association of Southeast ASEAN Nation o ASEAN Summit.
Ayon sa grupo, hindi naman daw mapakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino ang naging resulta ng summit at tila ibenenta lang ni Pangulong Duterte ang Pilipinas sa malalaking bansa.
Ang mga unang isyu umanong sinisigaw ng Pangulo ay hindi manlang napag-usapan. Dumipensa naman ang Malakanyang sa mga pasaring ng grupo.
Ayon sa Malakanyang, malaki ang pakinabang ng mga Pilipino sa mga napagkasuduan sa ASEAN Summit gaya ng nilagdaang kasunduan para sa karapatan ng mga migrant worker, tulong sa rehabilitasyon ng Marawi City, free trade agreement at ang pag-aksyon ng bansang Canada sa mga basurang dinala nito sa Pilipinas.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )