Mga opisyal at iba’t ibang unit ng PNP CALABARZON, pinarangalan ni PNP Chief Dela Rosa

by Radyo La Verdad | August 24, 2016 (Wednesday) | 2692

SHERWIN_DELA-ROSA
Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Ronald Bato Dela Rosa ang pagbibigay ng parangal sa mga opisyal at ibat ibang unit ng PNP Calabarzon sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna.

Kasunod ito ng ika-115 anibersaryo ng pambansang pulisya at pagsuporta ng PRO-4A sa pagsugpo ng kriminalidad at iligal na droga sa bansa.

Pinagkalooban ng tag isang kalibre .45 na baril ni PNP Dela Rosa ang dalawang pulis sa Cavite na sina SPO1 Roberto Lacasa at PO1 Teddy Delos Santos Jr na nasugatan sa pagtugis sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Bukod sa mga tauhan ng PNP binigyan din ng pagkilala ang LGU at ibang stake holders na tumutulong sa PRO-4A sa kanilang kampaniya sa iligal na droga.

Ipinirisinta rin kay Dela Rosa ang mahigit limandaang iba’t ibang uri ng armas na nakumpiska ng PRO-4A sa iba’t ibang operasyon simula ng buwan ng Hunyo hanggang August 22.

Kinabibilangan ang mga ito ng 2 grenade at 487 firearms kung saan tatlo sa mga ito ay M16 rifle at 27 pistol na ikinokonsiderang high powered guns.

Hinikayat ni Bato ang kaniyang mga tauhan na huwag mamatay sa mga isinasagawang operasyon alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay.

Pinaalalahanan din ng hepe ng pambansang pulisya ang mga miyembro ng pnp na hindi pa rin tumitigil sa iligal na gawain.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,