Mga OFW sa China, pinayuhan ng embahada na maging mapagmatyag at mag-ingat

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 2023

OFW
Pinayuhan naman ng embahada ng Pilipinas sa China ang mga Pilipino doon na maging maingat at mapagmatyag kaugnay sa mainit na usapin hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa e-mail na ipinadala ng embahada sa mga Pilipino na nasa China, sinabi nito na iwasan ang mga pagpupulong at diskusyon lalo na sa mga social networking sites hinggil sa West Philippine Sea issue.

Payo ng embahada sa mga OFW na laging dalhin ang kanilang mga dokumento saan mang lugar sa China magtungo.

Huwag ding mag-atubiling magsumbong sa embahada kung sila ay nakakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

(UNTV RADIO)

Tags: