MCGI, KFI at UNTV, nagsagawa ng blood letting activity sa Abu Dhabi

by Radyo La Verdad | August 27, 2018 (Monday) | 3341

ABU DHABI, UAE – Saan mang bahagi ng mundo makarating, hindi nawawala sa mga Pilipino ang diwa ng bayanihan.

Ito ang pinatunayan ng mga kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) matapos ang isinagawang mass bloodletting campaign sa Abu Dhabi noong nakaraang Biyernes.

Pinangunahan ito ng Members Church of God International (MCGI), Kamanggagawa Foundation at UNTV.

Kahit karamihan ay pagod sa trabaho, hindi ito inalintana ng mga volunteer upang makatulong sa kapwa.

Ang Abu Dhabi Blood Bank ang partner in public service ng MCGI at KFI sa mass bloodletting event.

Dito napunta ang mga dugong nalikom ng grupo mula sa mga volunteer na umabot ng 40 bags.

Ang Abu Dhabi Blood Bank ang nag-susupply sa mga nangangailangan ng dugo sa buong United Arab Emirates (UAE).

 

( Bong Cabuhat / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,