Magbibigay ng limang libong cash assistance ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na hindi nakaalis ng bansa dahil sa Bagyong Ompong.
Maglalagay ng assistance desk ang DFA sa mga Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport hanggang ngayong araw upang ipamahagi ang ayuda.
Kailangan lamang dalhin ng mga OFW ang kanilang airline ticket kung saan nakalagay ang kanilang orihinal na alis at ang re-issued na ticket na nakalagay ang bagong petsa ng alis. Dapat din na ipakita ang employment contract at overseas employment certificate
Mananatili ang mga DFA personnel sa paliparan mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi para sa naturang serbisyo.
Tags: Bagyong Ompong, DFA, OFW