Umabot na sa 192 ang napapatay kaugnay sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Batay ito sa datos na inilabas ng Philippine National Police Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM mula May 10 hanggang July 10.
Ayon sa PNP, 57 ang napatay sa Region 4A, 46 sa Region 3, 21 sa Metro Manila, 13 sa ARMM at wala sa Region 8.
Ang nasabing bilang ay mas mababa kung ikukumpara sa datos na inilabas ng ibang media organizations.
Paliwanag ng PNP na bago ito maglabas ng datos ay sinusuri munang maiigi kung may kaugnayan sa iligal na droga ang napatay na suspek.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)