METRO MANILA, Philippines – Sino ba naman ang makakalimot sa campaign jingle na “Budots”, bukod sa nakakatawag ng pansin, nakakahalina pero para sa iba nakakaasar daw pero hindi rin maiiwasan na gawan ito ng memes ng ating mga kababayan, isa na dito ang Youtube Channel na TV ni Louie pati suot ng kandidato ginaya niya at syempre pati ang trending na dance moves. Pati cast ng Avengers at maging ang kalabang si Thanos, nakibudots na rin.
Syempre hindi rin mawawala ang mga daliring mayroong indelible ink, pero kakaiba ang post ng ilan sa social media, ito daw ang pruweba na nakaboto na siya, kaya mayroon ng indelible ink ang kanyang kamay, pero mas nadaig niya ang lahat dahil mukhang naubos nya ang lahat ng indelible ink sa presinto dahil nailamutak na ito sa kanyang kamay.
Ang iba naman, walang indelible ink, pero done voting pa rin makasunod lamang sa uso, mayroon ding mukhang tinubuan na ng halaman ang kuko.
Ang isa pa sa naka-agaw ng pansin ng mga netizen ay ang ginawa ni Nonoy Arendian, mga senatoriable kids, hatulan kung sino ang pinaka cute sa kanila. Ang baby general na si Bato Dela Rosa, ang hindi bobo na si baby Larry Gadon, ang tila walang muwang na si baby Nancy Binay, ang cute na cute baby Economist na si Mar Roxas, si baby Pilo Hilbay, si baby Erin Tañada, ang cute na si baby Neri Colmenares, si baby Samira Gutoc, ang baby heart throb na si Atty. Glen Chong, ang baby military men na si Gary Alejano. Ang baby doctor na si Willie Ong, ang buduts King na si baby Bong Revilla, ang sipag at tiyaga lady na si baby Cynthia Villar, si baby Grace Poe, si baby Bong Go, si baby Pia Cayetano, ang baby pinuno na si Lito Lapid, baby Sonny Angara, at si baby Imee Marcos. Mukha namang walang nagbago kay baby Bam Aquino, ang cute na si baby Koko Pimentel, si baby Jiggy Manicad, si baby Jinggoy Estrada, si Baby JV Ejercito. At syempre si baby Freddy Aguilar na nagmukhang Pop Rock Star.
Pero mukang hindi umubra ang mobile app kay Ka Leody De Guzman, Chel Diokno, Juan Ponce Enrile, Serge Osmeña, Raffy Alunan. Ngunit ang tumalo sa lahat ng trending at nakakuha ng korona ay ang kaibigan nating becky na nasa video na nag ala reporter sa isang polling place. Kung oobserbahan, nasa kanya ang katangian ng isang totoong reporter. Nag-stand by muna, pinakinggang mabuti ang nasa linya baka tawagin sa ere, hinawakan ang earphone para marinig ng maayos ang anchor. Nang tatawagin na, binati ng buong sigla ang anchor. At syempre, hindi kinalimutan ang microphone. Nagnuwestra ng hand gestures, itinuturo ang sinasabi kung ano ba iyon.
Nagsimula na ang kaniyang report. Naging atentibo, baka magtanong ang anchor kaya naghanda sa pagsagot at syempre hindi kinalimutan ang iconic hawak sa earphone.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 8 thousand shares at 27 thousand likes ang post at patuloy na tumataas.
Talaga namang kahit anong panahon, hindi maikakaila na ang mga Pilipino ay masayahing tao.
Natalo o nanalo man ang kandidato, tuloy lang ang buhay, sabi nga nila. Chill lang.
(Mon Jocson | UNTV News)
Tags: 2019 midterm elections, Campaign jingle \, Social media trend
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com