Mga nagtapos na termino at natalong re-electionist Senators, pormal nang nagpaalam sa Senado

by Erika Endraca | June 5, 2019 (Wednesday) | 6925

Senate Philippines – Pormal nang nagpaalam at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa 6 na senador sa mataas na kapulungan ng kongreso kasabay na rin ng pagtatapos ng 17th Congress kagabi (June 4).

Sila ay sina Senator Gringo Honasan, Francis Chiz Escudero, Loren Legarda, Joseph Victor Ejercito, Bam Aquino at Antonio Trillanes IV.

Si senator Honasan, hindi pa tiyak kung uupo na bilang kalihim ng Department of Information and Communications.

“If fates will decree that i join you again in a few years time after being fired or resigning the presumptive job that iam occupying then already be decided not here but somewhere else” ani Senator Gringo Honasan.

Si senator Bam naman ay inilahad ang kaniyang mga nagawa sa 6 na taon sa senado kabilang na ang libreng kolehiyo.

“Hindi kailangang malibing ang ating mga buto ang mga mabubuting nagawa dito po sa senado bagkus nabubuhay ang mga batas at repormang ating tinarabaho” ani Senator Bam Aquino.

Nagpasalamat naman si senator JV sa kaniyang magulang, bagamat hindi naiwasang baggitin ang namamagitan pa ring hindi pag-uunawaan nila ng kaniyang ama.

“Sa aking ama bagamat wala siya, si pangulong mayor erap nais kong magpasalamat sa lahat na ibiigay mo sa akin kahit hindi mo na ako favorite son ngayon at medyo hindi na nagtutugma ang ating direksyon lately” ani Senator Joseph Victor Ejercito.

Si senator Chiz naman pagkatapos sa senado ay uupo bilang gobernador ng Sorsogon.

“Mayroon pong ngiti sa aking mga labi dahil makalipas ang araw na ito, mas may panahon na po ako na makapiling ang  aking mga kababayan na kailan man ay hindi naging mapang-husga bagkus ay palaging nagtiwala at naniwala sa kabila ng lahat ng unos at pagsubok na aking pinagdaanan” ani  Senator Francis Chiz Escudero.

May payo naman si senator Legarda sa dalawang talunang senador.

“I won twice, I lost twice thats why JV and Bam remember iam certain you wil be back” ani Senator Loren Legarda.

Samantala, inulat naman ni Senate President Vicente Sotto III ang kanilang nagawa sa 17th congress. Sa 2,235 na panukalang batas na inihain, 592 dito ang naging ganap na batas.

May panawagan naman si senate president  Sotto sa bagong hanay ng mga mambabatas sa pagpasok ng 18th congress sa darating July 22.

“ We wish the coming senate to carryon the task we’re passing on to them, let us remain cooperative but independent, balance, transparent and sincere” ani Senate President Vicente Sotto III.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: ,