Sa kabila ng matinding buhos ng ulan, nagmartsa patungong patungong Chinese Consulate sa Makati City at US Embassy sa Maynila ang ilang militanteng grupo.
Galit ang mga ito sa ginawang pagkuha umano ng Chinese coast guard sa huli ng mga pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.
Hindi rin tanggap ng mga ito ang tila pagbabalewala ng Malacañang sa isyu na noodles at tubig ang ipinapalit ng Chinese coast guard sa mga isdang kinukuha nito sa mga mangingisda.
Pero sinabi na ng Malacañang na gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan upang hindi na maulit ang insidente. Ang mga militanteng grupo, may pakiusap naman sa tagapagsalita ng palasyo.
Bagama’t ipinagdiriwang ngayong araw ang Araw ng Kasarinlan ng bansa, pero para sa mga militante hindi maituturing na tunay na malaya ang bansa at patunay dito ang patuloy na territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS) kung saan nasasagkaan ang karapatan ng Pilipinas sa mga likas na yaman sa naturang lugar.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )