Mga militante na lalabag sa batas, ipinababaril na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | July 26, 2017 (Wednesday) | 3356


Pinalalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pwersa ng pamahalaan upang tapatan ang mga kinakaharap na hamon sa seguridad ng bansa.

Isa na rito ang suliranin sa mga rebeldeng komunista.

Muli ding binalaan ng pangulo maging ang mga militanteng grupo kung hindi tatalima sa panuntunan at mga regulasyon ng pamahalaan.

Maging ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay, pinaalalahanan niyang wag uulitin ang ginawa nitong sapilitang pagkubkob sa mga pabahay ng pamahalaan para sa mga pulis at sundalo.

Muli ring tinuligsa ni Pangulong Duterte si Communist Party of the Philippines Founding Chair Jose Maria Sison.

Anito, ayaw pang aminin ng lider ng komunistang grupo na malubha ang kaniyang karamdaman at tahasan umano ang pang-aabuso sa pamahalaan ng Norway dahil sa patuloy nitong pagpapakupkop.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,