Mga matataas na pwesto sa Philippine National Police, napunan na

by Radyo La Verdad | April 15, 2015 (Wednesday) | 1635

IMAGE__UNTV-News__JAN072012__PNP__Crame

Kumpleto na ang Command Group ng Philippine National Police mula sa Deputy Chief for Administration hanggang sa Hepe ng Directorial Staff.

Ito’y sa kabila nang kabiguan pa rin ni Pang. Aquino na magtalaga ng pinuno ng pambansang pulisya.

Ayon kay PNP Pio Chief P/CSupt. Generoso Cerbo, full time na Deputy Chief for Administration at Officer in Charge ng PNP si P/DDG. Leonardo Espina o number 2 Man ng pambansang pulisya.

Habang full time din na Deputy Chief for Operations si P/DDG Marcelo Garbo o number 3 Man ng PNP mula sa pagiging Hepe ng Directorial Staff.

Iniakyat naman bilang OIC ng Chief Directorial Staff o number 4 Man kapalit ni Gen. Garbo ang dating hepe ng Police Community Relations na si P/DIR. Danilo Constantino.

Magsisilbi namang Acting Police Community Relations Director si P/CSupt. Rene Ong kapalit ni P/DIR. Danilo Constantino.

Nilinaw naman ni Cerbo na hindi conflicting ang posisyon ni Gen. Espina bilang Deputy Chief for Administration at PNP OIC dahil otomatiko naman ito habang wala pang napipiling Hepe ng pambansang pulisya si Pang. Aquino.

Idinagdag pa ng Heneral na kasama sa trabaho ni Gen. Espina bilang Deputy Chief for Administration ang pangangasiwa sa lahat ng mga bagay na pang administratibo tulad ng comptrollership, financial transactions, logistics and supply, management at promotion ng personnel.

Muli namang nilinaw ng tagapagsalita ng PNP na matatag ang organisasyon dahil kumpleto na ang command group kahit na nga wala pang naitatalagang hepe ng pambansang pulisya. (Lea Ylagan/ UNTV News Senior Correspondent)

Tags: , ,